Nagtapos na ang pag-iral ng hanging amihan o northeast monsoon sa malaking bahagi ng ating bansa.
Batay sa data ng Department of Science and Technology (DOST), humina na sa mga nakalipas na araw ang high pressure area na nagtataboy ng Siberian wind na hudyat naman ng pagpasok ng mainit na hangin.
Bunsod nito, aasahan ang mas mainit na temperatura sa buong Pilipinas hanggang sa buwan ng Mayo.
Sa record ng Bombo Weather Center, mas nagiging mababa na ang bilang ng mga pag-ulan sa ganitong klima.
Kadalasang dulot na lamang ng easterlies at localized thunderstorms ang ulan, taliwas sa halos araw-araw na buhos nito noong mga nakaraang buwan.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng mainit na 42 degrees Celsius sa Zamboanga City, 38 degrees sa Butuan City, Palawan at General Santos City, 37 degrees sa Nueva Ecija at Occidental Mindoro, habang 35 degrees Celsius naman sa Metro Manila.