-- Advertisements --
Kinumpirma ng state weather agency na nagsimula na ang pag-iral ng amihan sa Pilipinas.
Ito ang hudyat ng unti-unting paglamig ng panahon.
Nanggagaling ang mahalumigmig na hangin sa Siberia at China at itinutulak ng northeast monsoon.
Sinasabing naantala ang pagsisimula nito dahil sa magkakasunod na bagyong dumaan sa ating Philippine area of responsibility (PAR).
Sa panahon ng amihan, bumababa ng tatlo hanggang lima ang antas ng sentigrado.
Kaalinsabay nito, may paalala naman ang mga eksperto na dagdagan ang pag-iingat sa kalusugan, lalo na ng mga taong may respiratory illnesses.