-- Advertisements --
Nakatakda nang ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang pag-iral ng La Niña.
Ayon kay Administrator Nathaniel Servando, posibleng sa mga susunod na araw ay idedeklara na ang pormal na pag-iral ng naturang climate phenomenon dahil nakikita na ang mga maagang palatandaan.
Maaaring magpapatuloy ang pag-iral nito hanggang sa unang quarter ng 2025.
Unang tinaya ng ahensiya ang mas maagang pagpasok ng La Niña ngunit tuluyan ding inabot ng Disyembre bago ang inaasahang deklarasyon.
Ayon sa state weather bureau administrator, sa ilalim ng La Niña ay asahan ang mas malamig na panahon at mas mabibigat na pag-ulan.
Ito ay maaaring magresulta sa mas madalas na pagbaha at pagguho ng lupa.