Nagtipon ang grupo ng eco waste coalition para ipanawagan sa lahat ng mga deboto ang ‘pag iwas at pagbawas’ sa paglikha ng basura sa darating na Traslacion 2025 sa Enero 9.
Kung saan hinikayat ng mga ito ang mga dadalo na kung maaari magdala na lang mga water bottle na useable at iwasan ang pagdadala ng mga single use na plastic water bottles at iba pang mga single use plastic na siyang madalas na nakakaapekto sa kalikasan.
‘Ang Eco Waste Coalition ay nandito po upang ipaalala muli na bawal magkalat, na iwasan po natin magdagdag ng kalat sa araw ng Traslacion mula sa Luneta hanggang sa paglalakad papunta dito sa bahay ng ating Puong na Nazareno,’ pahayag ni Eco Waste Coalition National Coordinator Aileen Lucero.
Samantala hinikayat rin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) representative John Marie Caoyong ang publiko na makipag tulungan para sa malinis na selebrasyon sa Hesus na Nazareno. Tiniyak nya rin ang buong pusong pakikipag tulungan ng MMDA sa grupo para sa pag sulong nangmas malinis na selebrasyon sa Traslacion 2025.
‘Kami po ay nakikisa sa magandand layunin at adbokasiya ng Eco Waste Coalition para po sa ikabubuti ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng ating mga basura. Isa po sa pamamaraan ng mabawasan ang paggamit ng plastic na hindi na po natin mapapakinabangan na kung hindi naayos ang pangangasiwa ay malaki ang epekto sa ating kalusugan,’ ani MMDA Representative John Marie Caoyong.
Naitala kase ng grupo noong nakaraang taon ang 158 na truck ng basura ang iniwan pagkatapos ng kapistahan na katumbas ng 456 metric tons kung saan kapansin-pansin ang mga plastic bag, wrapper, styrofoam, mga balat ng sigarilyo at mga disposable vapes.
‘Last year 158 truck loads ang nakuha nating basura–katumbas ng 456 metric tons sana ngayong 2025 ay mas mabawasan at tulong-tulong tayo sa pagsasagawa no’ng pagbawas na’yon,’ dagdag ni Lucero.
Nagpaalala pa ang environment group na ang inasyatibong ito ay upang makatulong para sa pag protekta sa kapaligiran na siyang ginawa ng Panginoong Diyos.