-- Advertisements --

Nanawagan ngayon sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi lamang sa buwan ng Marso dapat inalala ang pag-iwas sa sunog kundi kinailangang araw-arawin ito.

Ito ang naging mensahe ng matataas na opisyal ng ahensya kasabay ng pagbubukas ng Fire Prevention Month nitong Lunes.

Batay sa data ng Bureau of Fire Protection-7,mayroon lamang 918 na insidente ng sunog ang naitala sa buong rehiyon noong 2020 na tumaas sa 907 noong 2021 at mas tumaas pa sa 974 noong 2022.

Paliwanag pa ng mga opisyal ng ahensya, tumaas ang insidente ng sunog dito noong nakaraang taon dahil sa pagluwag ng mga COVID-19 restrictions kung saan maraming mga establisyemento ang nagbukas na humantong sa pagtaas ng mga aktibidad ng mga tao.

Kabilang naman sa tatlong nangungunang sanhi ng mga insidente ng sunog ay ang electrical ignition dahil sa mga nakabaluktot na wire, maluwag na koneksyon, at nakabukas na apoy mula sa mga gamit ng pagluluto tulad ng LPG, gas stove o kahoy.

Samantala, napag-alaman na mula taong 2012 hanggang 2016 ay nangunguna ang Cebu sa mga lalawigan na may pinakamataas na naitalang nasawi dahil sa sunog.