-- Advertisements --
image 109

Muling pinag-iingat ang publiko sa pag-kolekta ng shellfish mula sa mga coastal waters sa apat na lugar

Ito ay matapos na madetect ang nakakalasong red tide mula sa mga shelffish na nakukuha sa mga coastal water sa Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga shellfish na nakokolekta mula sa mga nabanggit na lugra ay positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagapas sa regulatory limit.

Kung kayat lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang na nakukuha mula sa nasabing mga coastal areas ay hindi ligtas na kainin.

Maliban na lamang sa mga isda, pusit, hito at alimasag sa kondisyon na ang mga ito ay sariwa, nahugasang mabuti at natanggal ang mga internal organs bago lutuin.

Nagpositibo sa nakakalasong red tide ang apat na coastal waters sa bansa