NAGA CITY- Nakatakda nang i-lift sa bansang Portugal ang ipinapatupad na lockdown dahil sa Coronavirus Disease(COVID-19).
Sa report ni Bombo International Correspondent Donna Pampliega, sinabi nito na inanunsyo na ng mismong Prime Minister ng bansa na sa Mayo 2 ipapatupad ang nasabing kautusan.
Ngunit sa kabila nito, mayroon pa rin umanong mga batas na kailangang sundin upang hindi na lumubo pa ang bilang ng mga nahahawa ng nasabing sakit.
Samantala, masasabing ang turismo umano sa lugar ang labis na napektohan ng COVID-19 crisis dahil kahit anong season ay dinarayo ito ng mga turista.
Ayon kay Pampliega, dahil sa covid-19 agad na nagpatupad ng travel ban ang nasabing bansa upang mapigilan ang pagpasok ng mga turista dito.
Sa ngayon unti-unti na umanong nako-control ng bansa ang mga kaso ng confirmed cases dito.