-- Advertisements --
Hindi sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa lockdown ang Metro Manila para makontrol ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon sa pangulo na hindi pa naabot ng bansa ang level ng contamination sa Metro Manila.
Masyado pa aniyang maaga na ipatupad ang pagpapasara sa Metro Manila.
Malaki din ang epekto nito sa ekonomiya dahil haharangin ang mga basic commodoties.
Magugunitang iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda ang pagsasara ng isang linggo sa National Capital Region (NCR) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.