-- Advertisements --
Mananatili pa ring oobserbahan sa Disyembre 8 ang kapiyestahan ng Immaculate Conception of Mary kahit ito ay araw ng Linggo.
Sinabi ng Office of the Executive Secretary, na wala silang plano na ilipat sa ibang araw ang pag-obserba ng nasabing religious holiday.
Nakasaad sa Republic Act 10966 noong 2017 ang pagdeklara ng nasabing kapiyestahan bilang non-working holiday.
Una rito ay iniurong ng Simbahang Katolika ang obserbasyon ng Kapiyestahan ng Immaculate Conception dahil ito ay nasabay sa second Sunday of Advent.