-- Advertisements --

WASHINGTON, DC – Umaani ngayon ng mga pagpuna ang hakbang ni US President Joe Biden nagbibigay ng pardon sa kanyang anak na si Hunter Biden.

Ito ay matapos mahatulan sa dalawang magkahiwalay na kaso sa federal na court ngayong taon ang nakababatang Biden.

Sa kanyang pahayag, binatikos ni Biden ang pagtrato sa kaniyang anak, lalo na sa mga kasong felony.

“Today, I signed a pardon for my son Hunter. From the day I took office, I pledged not to interfere with the Justice Department’s decisions, and I have upheld that promise, even as I watched my son be selectively and unfairly prosecuted,” wika ni President Biden.

Si Hunter Biden ay naharap sa mga kasong may kinalaman sa maling pahayag sa isang federal firearm form noong 2018 at sa pagmamay-ari ng baril.

Habang isang kaso rin ang isinampa sa kaniya ukol sa paggamit ng ipinagbabawal na substance.

Giit ng mga kritiko, kawalan ng delicadeza ang ginawa ng presidente na i-pardon ang sariling anak.

Pero may iba naman mula sa legal profession na kinikilala ito bilang “wise move,” lalo’t pababa na si Biden sa pagiging pangulo ng America.