BUTUAN CITY – Suportado ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Usec. Lorraine Marie Badoy ang ginawa pag-pull out ng tatlong state universities ng bansa sa mga libro at reading materials mula sa kani-kanilang mga libraries.
Ang nasabing mga libro ay ibinigay ng National Democratic Front (NDF) na author ang founding chairman na si Jose Maria “Joma” Sison.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Usec. Badoy a ang naturang mga libro at mga reading materials ay lason sa utak ng mga estudyante na idinisenyo upang magalit ang mga kabataan sa gobyerno.
Ayona pa kay Usec. Badoy, tama lamang ang ginawa ng Kalinga State University, Isabela State University at ng Aklan State University dahil makokonsidera umano ang mga ito na mga subversive materials.
S panig naman ni Rep. Carlos Zarate ng Makabayan block, inihayag nitong ipapatawag nila sa Kongreso ang mga opisyal ng nasabing mga unibersidad sa pamamagitan ng inihain nilang House Resolution 2290 na naglalayong ma-imbestigahan ang pag-pull out sa mga libro mula sa kanilang mga library.
Ayon kay Zarate hindi tama ang ginawa ng mga ito dahil wala aniyang batas na nagbabawal sa binansagang subversive materials, kahit mula ito sa NDF.
Iginiit ni Zarate na ang library ay isang “free market of ideas” para mga estudyante at hindi dapat na ipagkait ang mga ito sa ibang impormasyon.