KORONADAL CITY – Nagpa-panic ang maraming mga miyembro ng Kabus Padatuon o KAPA investment scam na pinamumunuan nang nagpakilalang pastor na si Joel Apolinario.
Kasunod ito nang isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bahay mismo ni Apolinario sa lungsod ng General Santos City at maging sa KAPA branch sa Tagum City.
Hindi naman naabutan ng mga otoridad sa kaniyang bahay si Apolinario na sinasabing nasa Cebu ngayon.
Sinasabing nangangamba na rin umano ngayon ang lahat ng miyembro ng KAPA, lalong-lalo na sa Koronadal area at ang mga bagong investors na hindi na maibabalik pa ang kanilang pera.
Kaugnay nito, sa lungsod ng Koronadal, kasama rin binalak na inspeksiyunin ay ang tanggapan ng KAPA partikular na sa bahagi ng Arellano Street.
Maliban dito, may isinagawa ring raid ang NBI sa isa pang investment scam na ALAMCO sa Alabel, Sarangani province.
Ang isinagawang synchronized na raid ng ahensya sa mga KAPA offices sa ilang bahagi ng bansa batay sa search warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 20 Judge Marivic Umali laban sa nasabing investment scam.
Kaugnay ito sa umano’y paglabag ng KAPA sa Securities Regulation Code.
Samantala, sinabi naman ni SEC Chairman Emilio Aquino sa isinagawang press conference na sasampahan na ng kasong kriminal ang KAPA founder, mga incorporators at iba pang mga opisyal kasabay nang paninindigan sa kanilang hakbang na pagpapatupad ng closure o shutdown nito.
Binigyang-diin din ni Aquino na ang pangako na 30% monthly interest ng KAPA ay “ridiculously high” at “mathematically unexplainable.