Nilinaw ni PNP Chief PLt. Gen. Dionardo Carlos na sa maaring sa Disyembre o Enero na gagawin ang pag-recall ng mga Police Escort na naka-assign sa mga politikong tatakbo sa darating na halalan.
Ang paglilinaw ay ginawa no Carlos matapos na unang ihayag na inumpisahan na ng PNP ang pag-recall ng mga ito.
Paliwanag ni Carlos, ang inumpisahan sa ngayon ay ang “accounting” ng lahat ng mga pulis na naka-assign na security detail ng mga kandidato sa eleksyon.
Sa oras aniya na maglabas na ng Guidelines ang Commission on Elections ay saka nila sisimulan ang pag-recall sa mga ito.
Pero una nang tiniyak ni Carlos na pagkakalooban din ng PNP ng seguridad ang mga kandidato kung mag-apply sila ng exemption sa Comelec at aprubahan ito, matapos nilang patunayang may banta sa kanilang buhay.