TUGUEGARAO CITY – Pabor ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa desisyon ng Malacañang na i-recall ang mga ambassador at consul ng bansa sa Canada.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni incoming IBP president Atty. Domingo Cayosa na ito ay pagpapakita ng political will ng Pilipinas dahil sa kabiguan ng Canada na matupad ang May 15 deadline para hakutin ang kanilang mga basura.
Ayon pa kay Cayosa, mabigat ang mensahe nito sa mga bansang Kanluranin na ang tingin sa mga Pinoy ay second class citizen sa international community.
Samantala, naniniwala naman ang IBP na walang negatibong epekto nito sa mga Pinoy sa Canada dahil maayos at legal naman ang kanilang pagpasok sa nasabing bansa.
Ang 69 containers ng basura mula Canada ay pumasok sa Pilipinas noong 2013 at nabubulok na ngayon sa landfill sa Tarlac.