-- Advertisements --

Nilinaw ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na walang kinalaman ang Malacañang sa pagtanggal ng PNP sa police escort ni Sen. Antonio Trillanes.

Sa panayam kay Albayalde, nilinaw nito na wala siyang natanggap na direktiba mula mismo kay Pang Duterte na tanggalin ang mga police escort ni Trillanes.

Paliwanang ng PNP chief kapag nirerecall ang mga police escort ito ay posibleng nag expire na ang term ng mga police na nagsilbing security detail sa senador.

Kailangan umano na irenew ng senador ang request nito na magkaroon ng police security detail.

Nilinaw din ni PNP chief na hindi “forever” ang mga police security sa mga opisyal.

Aalamin din ni Albayalde sa director ng PSPG kung ano ang status sa mga security detail ng senador.

Ang mga elected government officials ay allowed na magkaroon ng dalawang police security detail.

Hindi naman naniniwala si Albayalde na may kinalaman sa pulitika ang pag-recall sa dalawang police escort ni Trillanes.