-- Advertisements --
Naniniwala si Defense Sec. Delfin Lorenzana na desperado na ang komunistang New People’s Army (NPA) kaya’t kahit mga menor de edad ay kanila na ring nire-recruit para kanilang maging kasapi.
Ayon kay Lorenzana, labis na umano ang pagkadesperado ng komunistang grupo kaya’t maging ang mga menor de edad sa mga pamantasan ay kanilang target sa recruitment.
Aniya, hindi na rin bago ang ginagawang pag recruit ng mga minors ng NPA dahil gawain na nila ito noon pa man.
Giit pa ng kalihim may mga pagkakataon pa aniya na humahantong sa paggamit ng mga bata bilang mga child warrior ang NPA.
Sinabi pa ng kalihim na ilan sa mga sumukong rebelde ay nasa 14 hanggang 15-anyos sila nang sila ay sumabak sa pakikipagbakbakan sa gobyerno.