Pinag uusapan na ngayon ng pamahalaan kung papano mari regulate ang pagpo post ng mga impormasyon sa social media.
Ito’y sa gitna ng naglipanang fake news matapos arestuhin ng international criminal court sa pamamagitan ng interpol si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer USec Claire Castro, hindi lamang gobyerno kundi pati ang taongbayan o buong bansa ang kailangan aniyang magtulong tulong para maiwasan at tuluyang masawata ang pagkalat ng mga hindi totoong impormasyon gamit ang internet o social media.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit humihingi sila ng tulong ng main stream media para mailabas sa publiko ang mga totoong impormasyon na talagang suma ilalim sa masusing pag verify.
Maging ang korte suprema aniya ay nagri reklamo na rin sa fake news, dahil kumalat din kamakailan sa social media ang isang pekeng dokumento na nagpapakita ng isang petisyon umano na nagpapabitiw sa pwesto kay pangulong ferdinand marcos jr.
Ayon kay Castro, whole of nation approach ang kailangan dito para tuluyang masawata ang pagkalat ng fake news online.