BUTUAN CITY – Alam na umano ng lahat sa UniTeam na bababa sa kanyang pwesto sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Vice President Sara Duterte lalo na’t matagal na, ang UniTeam break-up kung kaya’t inantay na lamang nila ang araw na pormal na magbitiw si VP Sara.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Partido Manggagawa spokesperson Wilson Fortaleza, na nagsimula ang lamat sa Marcos-Duterte team, isang taon pa lang sa posisyon ang Marcos administration dahil sa palitan ng akusasyon nina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte na ama ng besi presidente.
Extension lamang umano ang ginawa ni VP Sara sa una nang mga nagaganap, noong unti-unting nagkawatak-watak ang UniTeam.
Ito’y matapos na ang mga miyembro ng gabinete at ng kamara na ka-alyadol ng mga Duterte, ay unang tinanggal sa kani-kanilang pwesto.
Dagdag pa ni Fortaleza, walang naitulong sa Department of Education si VP Sara dahil sa umano’y ‘zero experience’ nito sa pagpapatakbo sa edukasyon lalo na’t political accommodation lamang ang kanyang appointment na sya namang original sin ng Marcos administration at syang nakaka-apekto ng malaki sa naturang sektor.