Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, B/Gen. Vicente Danao na prayoridad sa kanilang pinaigting at pinalakas na police operations ay ang pagrespeto sa karapatang pantao.
Binigyang-diin ni Danao, hindi niya papayagan na aabusuhin ng mga “men in uniform” ang ating mga kababayan.
Hindi rin daw ito-tolerate ang pang-aabuso ng kaniyang mga tauhan sa mga sibilyan.
Mahigpit ding tutukan ni Danao ang internal cleansing sa pamamagitan ng kaniyang “Oplan Litis” sa pamamagitan ng paglitis sa mga police scalawag.
Inihayag ni Danao magpapakalat sila ng mga contact numbers kung saan pwedeng magreklamo ang publiko laban sa mga rogue cops.
Aniya, malaking hamon sa PNP ang law enforcement ngayon nasa kalagitnaan ng pandemya ang bansa, pero gagawin pa rin ng mga pulis ang kanilang mandato na silbihan ang publiko.
Binalaan din ni Danao ang mga police commanders na gampanan ang kanilang
mga trabaho ng sa gayon hindi sila masibak sa pwesto.
Ayon pa kay Danao, bibigyan niya ng pagkakataon ang mga police commanders na “i-shape up” pa ang kanilang performance, pero kung non-performing pa rin ang mga ito panahon para sila ay “i-shaken up.”
Mahigpit din ang bilin ni Danao sa kaniyang mga police commanders na i-account ang kanilang mga tauhan maging ang kanilang mga armas at mga properties ng PNP.
Paalala din nito sa mga pulis na ang kanilang prayoridad ay ang kampanya ng Pangulong Duterte laban sa iligal na droga, criminality at corruption.