Hinimok ng isang mambabatas ang state banks at transport authorities na pag-aralan ang loans na maaaring ibigay para sa pagbili ng modernong dyip sa ilalim ng PUV modernization proram dahil past due na ang ilang consolidated cooperatoves at corporatios sa kanilang loans.
Ayon kay Quezon Rep. Reynante Arrogancia, nasa 38 nag-consolidate na mga kooperatoba at korporasyon ang pas due na sa kanilang loans na nasa kabuuang P2 billion na kanilang nakuha sa pagpalit ng kanilang units.
Tinukoy ng mambabatas na nasa 33 borrowers ang hindi nakabayad ng kanilang loans sa bangko ng gobyerno habang 5 naman ang may past due sa iba pang government bank simula noong Dec. 31.
Kaugnay nito, ipinanukala ng kongresista sa mga bangko, Office of Transport Cooperatives (OTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ireview ang mga terms at conditions ng loan contracts, pag-apply ng remedies gaya ng grac eperiod, regulatory relief, leniency at iba pa.