GENERAL SANTOS CITY – Sa halip na magreklamo dapat pagbutihin ang imahe ng bansa sa abroad dahil apektado ang tourist arrival ng bansa.
Ito ang pahayag ni Bombo International Correspondent Denmark Suede matapos nagpalabas ng Travel Advisory ang bansang Canada sa 17 Probinsya ng Mindanao. Paglahad nito na kung may travel advisory matakot pumasok ang mga Investor para maglagay ng puhunan.
Hindi umano inaasahan na i single out ni National Security Adviser Eduardo Año ang bansang Canada gayong hindi bago sa Pilipinas ang travel advisory dahil nagpalabas nuon ng advisory ang mga bansang Australia, New Zealand, United Kingdom at US.
Sinabi nito na dapat magtulungan sina National Security Adviser Eduardo Año at Tourism Secretary Cristina Frasco para mapabuti ang imahe ng bansa.
Sa 17 taon na pamalagi sa Australia nagdaang taon lamang nilagay ang tourist ads na Love the Philippines sa mga tren, bus sa Australia .
Kung pupunta sa mga travel agency sa Australia makikita lamang ang Bali, Vietnam, Thailand subalit wala ang Manila kaya normal na di kilala ang Boracay.
Naging personal nga experience din nito ang pag-uwi ng Pilipinas nuong 2022 ng pumunta ng Mindanao lalo na sa General Santos at Sarangani Province hindi siya sasagutin ng kanyang travel Insurance dahil nga sa nasabing travel advisory.