Walang balak ang actress na si Vivian Velez na tanggapin ang paghingi ng patawad ng kapwa actress na si Jacklyn Jose.
Nagsimula ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa matapos na mai-share ni Velez sa kaniyang social media ang pahayag ng kapwa actress Pinky Amador dahil sa pagmumura sa mga empleyado ng tinutuluyang condotel nito.
Sa pagdedepensa kasi ng director general ng Film Academy of the Philippines (FAP) na naiintindihan nito ang kalagayan ni Pinky dahil kulang umano sila sa impormasyon na doon pala patutuluyin ang mga 59 na pinauwing OFW.
Nag-komento naman sa social media post nito ang actress na si Jose kung saan nagbitiw ito ng hindi magandang salita.
Pagkalipas ng isang araw ay nagpost naman sa kaniyang social media ang award-winning actress na si Jacklyn na humihingi ito ng kapatawaran dahil sa negatibong reaksyon nito.
Paliwanag pa ni Velez na tanggap nito ang pagsalungat ng iba sa shared post nito sa statement ni Amador subalit ang hindi nito matanggap ay ang pagsalitahan siya ng mga masasakit.