-- Advertisements --

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko ang spraying o misting bilang paraan ng pag-disinfect laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DOH, wala pa raw ebidensyang magpapatunay na mabisa ang nasabing procedure laban sa virus.

“DOH does not recommend spraying or misting. There is no evidence to support that spraying of surfaces or large scale misting of areas, indoor or outdoor with disinfecting agents, kills the virus,” saad sa pahayag ng DOH.

Ilang mga local government units na ang nag-disinfect sa mga kalsada at establisimento sa pamamagitan ng pag-spray at misting sa kani-kanilang mga lokalidad.

Sa halip, nag-abiso na lamang ang kagawaran na ibabad ang mga bagay o linisin na lamang nang direkta ang surface para mapatay ang virus.

“Everyone should not spray or mist disinfectants at this time. Soak objects completely or disinfect surfaces directly to kill the virus,” dagdag nito.

Masama rin anila sa kalusugan ng tao ang pagsasagawa ng spraying o misting.