-- Advertisements --

Aabutin pa umano ng dalawang taon ang gobyerno bago mag-stabilize ang salt indutry sa Pilipinas.

Ito ay kung maipapatupad ang mga interventions sa bansa.

Paniniwala ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, yan ay kung makukuha ng Bureau of Fisheries and Aquatics Resources (DA-BFAR) ang panimulang Php 100 million na alokasyon na pondo.

Ayon kay Usec. Panganiban, kung matutuloy agad na maipapamahagi sa second half ng taong ito ang ayuda lalo na sa mga fisherfolks na nagpo-produce ng asin.

Layon nito na mapalawak pa ang area ng pag-aasin.

Kung mapalaki na raw ang mga areas, ay liliit na ang importasyon.

Una na kasing iniulat na aabot sa mahigit 90 porsyento ang inaangkat ng Pilipinas na ASIN na kadalsan ay sa China at Australya.