-- Advertisements --
Ceres vallacar transit

BACOLOD CITY – Kaagad na nag-deploy ng mga pulis sa dalawang terminal ng Vallacar Transit Incorporated (VTI) sa Bacolod kasunod ng tangkang pag-takeover ng bagong management ng Yanson Group of Bus Companies.

Maaga pa lang, umugong na ang report na anumang oras, lulusob sa southbound at northbound terminal ang kampo ni Roy Yanson upang palitan ang mga empleyado.

Nabatid na iginigiit ng halos lahat ng mga empleyado ng VTI na nananatili ang kanilang suporta kay Leo Rey kahit kinudeta ito ng kanyang apat na kapatid at hindi nila kinikilala ang kuya na si Roy bilang presidente.

Bandang alas-8:00 ng umaga, dumating ang mga guwardiya mula sa AY 76 Security Agency na siyang kinuha ni Roy na mag-takeover sa terminal ngunit hinarang ang mga ito ng mga blue guards na unang nakaposisyon dito.

VTI vallacar yanson bus bacolod ceres

Dumating din ang Yanson matriarch na si Olivia at sinermunan ang mga sekyu na hindi sila maaaring pumasok sa building dahil wala silang bitbit na papeles at peke umano ang lisensya ng security agency.

Dahil dito, napilitan ang mga guwardiya na manatili sa labas ng terminal.

Upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan, nagbantay sa southbound ang Police Station 6 habang pumwesto naman sa northbound ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management ng Bacolod City Police Office.

Sa ngayon, normal ang biyahe ng Ceres bus ngunit may mga railings na inilagay sa terminal upang mapigilan ang sino mang magte-take over mula sa kampo ni Roy.

Yanson bus bacolod ceres