-- Advertisements --
Pansamantalang ititigil muna ng Manila Traffic and Parking Bureau ang pag-clamp at pag-tow ng mga sasakyan sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Manila Traffic and Parking Bureau Officer-In-Charge Narciso T. Diokno na dahil sa maraming mga reklamo ang dumating sa kanilang opisina kaya pansamantala muna nila itong ititigil.
Magsasagawa muna ito ng ilang mga pag-aaral at kakausapin ang mga nasa likod ng operasyon para malaman kung may katotohanan ng mga reklamo sa kanila.
Nagbabala rin ito sa mga motorista na dapat sumunod na lamang sa tamang paradahan ng mga sasakyan para hindi magdulot ng anumang trapiko sa lungsod ng Maynila.