Tumigil na umano ang mga diskusyon ng Oklahoma City Thunder ukol sa panibagong team na lilipatan sana ni nine-time All-Star guard Chris Paul.
Dahil dito ay inaasahang maglalaro si Paul suot ang uniporme ng Thunder sa darating na season.
Sinabi ng mga impormante, hindi raw kasi makahanap ang Oklahoma at ang mga kinatawan ni Paul ng koponan na maaaring talunan ng 34-year-old guard.
Naniniwala rin daw ang magkabilang panig na mayroong benepisyo para kay Paul kung igugugol muna nito ang season sa Thunder.
Sa ngayon, posible anilang makahanap na sila ng trade matapos ang Disyembre 15 o kahit sa pagtatapos ng 2019-20 season.
Sa nasabing petsa kasi ay lumalawak ang market sa panahong napapasama sa mga trade package ang mga players na lumagda ng offseason free-agent deals.
Maaalalang tinrade ng Thunder si Russell Westbrook sa Houston Rockets para kay Paul, dalawang first-round picks at dalawang pick swaps.
Hindi na rin bago kay Paul ang Oklahoma City sapagkat naglaro na rin ito para sa koponan noong 2005-06 at 2006-07 season nang mag-relocate ang New Orleans team doon dahil sa Hurricane Katrina.