-- Advertisements --
Nilinaw ng Pagasa na wala pang direktang epekto sa lupa ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region.
Sa kabila ito ng mga pag-ulang naitala nitong mga nakalipas na oras, kung saan may mga lugar na nakaranas ng baha.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 840 km silangan ng Virac, Catanduanes.
Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa mga susunod na oras.
Bibigyan naman ito ng local name na “Egay” kapag umabot sa 45 kph ang taglay na hangin habang nasa loob ng Philippine area of responsibility.