Pinawi ng Pagasa ang pangamba ng publiko sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam sa bansa.
Ayon kay senior weather specialist Jorybell Masallo, hindi pa naman umano umaabot sa critical level ang tubig sad dam at kaya pa nitong suplayan ang kakulangan sa patubig, domestic supply at sa irigasyon.
Nagpaliwanag din ito sa pagababawas ng Angat dam ng alokasyon sa patubig sa mga sakahan.
Aniya ito raw ay para mabigyang prayoridad ang ibang pangangailangan kagaya sa domestic supply.
Pero naniniwala itong sa huling bahagi ng Mayo ay maiibsan na ang problema sa tubig dahil mararanasan na ang pag-ulan.
Nakabawi na rin umano ang ilang probinsiya sa Mindanao dahil nagkaroon na ng pag-ulan sa rehiyon.
Sa ngayon, lumobo na sa P4.35 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng umiiral na weak El Niño ayon sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA).