-- Advertisements --
Nagtala ng record ang pagbagsak ng makakapal na yelo sa California.
Ayon sa University of California Berkeley Central Sierra Snow Laboratory na mayroong 202 pulgada ng yelo o halos 17 talampakan ang bumagsak ngayong buwan.
Nahigitan nito ang pagbuhos ng yelo noong Disyembre 1970 na mayroong 179 pulgada.
Bagamat naging makapal ang pag-ulan ng yelo ay kulang pa rin aniya pa rin ito.
Kailangan kasi ng high-elevation snowpack na nagsisilbing natural reservoir na siyang magiging solusyon sa nararanasang tag-tuyot.
Nagsisilbili kasing 30 percent ng fresh water supply sa California kada taon ang Snowpack sa Sierra Nevada.