-- Advertisements --

Aasahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw ng Linggo, Mayo 15.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa tinatawag na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o nagsasalubong na hangin na nagdadala ng makapal na ulap.

Maliban sa Eastern at Central Visayas, makakaranas din daw ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Northern Mindanao, gayundin ang CARAGA, Davao Region, at Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos).

Habang sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay mananatiling mainit ang temperatura ngunit aasahan ang posibilidad ng thunderstorms o mga biglang malakas na ulan.