-- Advertisements --
Maapektuhan ng tail-end of a cold front ang Northern at Central Luzon ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.
Batay sa kanilang 4 a.m. bulleting report, sinabi ng PAGASA na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang thunderstorms ngayong araw ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
Nagbabala naman ang state weather bureau sa posibleng pagkakaroon ng flash floods kapag magkaroon ng sever thunderstorms sa mga apektadong lugar.
Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Posibleng magkaroon din daw ng flash floods sa mga lugar na ito.