BEIJING – Magiging “cordial and diplomatic” umano ang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping kaugnay sa arbitral ruling.
Sinabi ni Philippine Ambassador to China Ambassador Jose Santiago Sta Romana, maaaring maging “honest, direct discussion” ang inaasahan sa magaganap na pagkikita nina Pres. Xi at Pangulong Duterte pero hindi ito hahantong sa sitwasyong mauuwi sa kategoryang pagputol ng relasyon.
Ayon kay Santa Romana, hindi bubuksan ni Pangulong Duterte sa kanyang counterpart ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa paraang “confrontational,” bagkus, ang target ng pangulo ay mailatag ang posisyon nito sa West Philippine Sea at maipaunawa ang mga bagay kung saan dapat na magkaroon ng unawaan.
Pakay aniya ni Pangulong Duterte ay “to build and not to burn bridges” sa gitna ng mga “irritants” sa relasyon ng Pilipinas at China.