Hinimok ni Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na bagohin ang Roadmap to Address Impact of El Niño o RAIN upang mabawasan ang epekto nito sa supply ng pagkain, kuryente, tubig at maging sa mga magsasaka ng bansa.
Itong Roadmap to Address Impact of El Niño o RAIN umano ay isang comprehensive strategy na ginawa ng NEDA upang magabayan ang bansa sa banta ng El Niño noong taong 2015-2016.
“Meron ng blueprint sa ganitong emergency. Kailangan lang ay to dust it off and brush it up, so it will be attuned to the unique characteristics of the 2023 version of El Nino,” ayon pa kay Rep. Recto.
Ang agrikultura ay nasa hurisdiksyon ng Pangulo kaya marapat lamang umano na pangunahan ng pangulo ang response sa banta dito.
Ang kakulangan umano sa tubig ay magdudulot ng kakulangan sa pagkain ayon pa sa mambabatas.
Itong El Niño rin ay magkakaroon ng negatibong epekto sa livestocks at poultry dahil ang sobrang init ay nagdudulot ng stress sa mga hayop.
“Umiinom ang hayop. At kailangan ang tubig upang panatilihing malinis at mapigilan ang sakit sa mga farms. May ASF na nga sa baboy, tapos dadagdag pa ang kakulangan sa tubig,” dagdag pa ni Rep. Recto.
Ang solusyon umano ay hindi lang dapat limitado sa dipstick reading ng water dam malapit sa Manila dahil ang buong bansa ay haharap sa parehong kakulangan at mayroong iba’t iba pang sources ng tubig.