-- Advertisements --

Sinimulan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang planong pag-upgrade sa taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maalalang noong Nobiembre ay una nang sinabi ng MIAA na sinimulan na nito ang mga engineering works sa mga taxiway, kasabay ng pagnanais na mapalitan ang flexible pavement ng konkretong istraktura.

Ayon kay MIAA assistant general manager for engineering Antonio Mendoza, ang konkreyong taxiway ay mas akma para sa mga aircraft na mas malalaki, lalo na ang mga international carriers sa NAIA Terminal 3.

Mas bihira din ang pangangailangan nitong maisailalim sa mga repair at rehabilitation kumpara sa aspaltong taxiway na kasalukuyang ginagamit dito.

Ayon kay Mendoza, makakatulong ito hindi lamang sa MIAA kungdi maging sa mga airline companies at mga pasahero dahil tiyak na mas maraming flights ang maa-acommodate ng naturang paliparan.

Ang planong concrete extension sa mga taxiway ng NAIA ay kinabibilangan ng Taxiway November at Taxiway Delta.

Samantala, ang naturang upgrade ay nahati ng mula sa tatlo hanggang sa apat na dibisyon, pangunahin dito ang 400-meter section ng Taxiway.

Inaasang makukumpleto ito sa loob ng 16 months, o pagsapit ng 2025.