Posibleng abutin pa ng hanggang apat na buwan bago tuluyang maiupload ng mga local government units (LGU) ang mga vaccination data para mailagay sa VaxCertPH.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Emmanuel Caintic na aabot lamang sa 70 hanggang 80 percent ang naiupload ng mga LGU ng kanilang mga immunization data sa VaxCertPh.
Kanila na ring na-upgrade ang nasabing VAXCertPH kung saan isinama ang booster shots at may dagdag na security measures na naaayon sa World Health Organization (WHO).
Mayroong 39 bansa ang maari ng mai-scan ang VaxCertPH sa kanilang points of entry.
Kinabibilangan ito ng US, Australia, Canada, South Korea, Singapore at Japan.
Maari din itong magamit sa domestic travel gaya rin ng vaccination card na tinatanggap ng ilang local government unit