Nababagalan umano si Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu sa paggulong ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre victims.
Matapos kasi ang 10 taon, saka pa lamang nakatakdang ibaba ngayong Huwebes ang hatol sa multiple murder case na gaganapin sa Quezon City Jail Annex at Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Nabatid na isa si Mangudadatu sa mga namatayan makaraang mapasama ang kanyang misis at dalawang kapatid na babae sa November 2009 massacre.
Ayon sa kongresista, nagkaroon ng delay dahil sa dami ng mga ebidensyang iprinisenta ng nasa 350 na witnesses at ang pagpapalit ng mga abogado ng depensa.
Tumatayong primary accused sa madugong krimen ang mga miyembro ng makapangyarihan na angkan ng Ampatuan, kabilang na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao governor Zaldy Ampatuan at dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan, Jr.
Ang mga Ampatuan ay karibal sa politika ng mga Mangudadatus.
Kabilang din sa mga kinasuhan ang sinasabing mga miyembro ng private army ng mga Ampatuan matapos na paslangin ang 58 katao, kung saan 32 dito ay mga mamahayag.