Wala umanong balak ang PNP na imbestigahan ang kumakalat na “Bikoy video” sa social media na nag-uugnay kay Presidential son Paolo Duterte sa illegal drugs.
Itinuturing naman ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, “self serving” ang nasabing video at pagsasayang lamang ng kanilang oras kung kanilang iimbestigahan.
Sa ngayon walang lumalapit na indibidwal sa PNP para maghain ng formal complaint.
Paalala ni Albayalde sa mga netizens na huwag basta-basta maniwala sa mga ganitong akusasyon na pinapalutang sa internet.
Para kay PNP chief, kuwestiyonable ang naturang mga dokumento dahil hindi normal para sa mga sindikato na ilagay sa isang pormal na listahan na may pirma pa ang mga humawak ng pera, ang “tara†na kanilang ipinamamahagi.
Aniya, kahit sino aniya ay maaring gumawa ng mga naturang dokumento, at ipakalat sa social media para siraan ang kanilang mga kalaban sa politika.