-- Advertisements --
pbbm x xi jinping

Inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isyu ng territorial disputes at-sea sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa kanyang katatapos lang na state visit sa China.

Ito ang kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng kanyang pagbabalik sa bansa kasama si Pangulong Marcos.

Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Marcos sa China sa pagbisita ng huli noong Enero 3 hanggang 5.

Ayon kay Leyte 1st district congressman, tinalakay nina Marcos at Xi ang mga sensitibong isyung ito na may paggalang sa isa’t isa at pagkakapantay-pantay”.

Dagdag pa ni Romualdez na ang dalawang pinuno ay may “sincerity” sa mga salita ng isa’t isa at pagtugon sa lahat ng mga isyu.

Sinabi pa niya na ang mga maritime disputes ay hindi katapusan sa Manila-Beijing relations.