-- Advertisements --

Kinumpirma ng MalacaƱang na magkakaroon ng pag-uusap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr kina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa araw ng Linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang trilateral phone call ay naisama sa schedule ni Biden habang ito ay kasalukuyang nasa Roma.

Inaasahan na pag-uusapan ng tatlong lider ang kasalukuyang kaganapan sa Trilateral Cooperation ng Japan-US at Pilipinas.

Ang nasabing trilateral Cooperation ay itinaguyod sa makasaysayang pagkikita ng tatlong lider noong April 11, 2024 sa Washington D.C.

Dagdag pa ni DFA Spokesperson Teresita Daza na asahan na tatalakayin ng tatlong lider ang usaping pang-ekonomiya ganun din ang mga nagaganapn sa regional at global development.

Una rito ay kinontra ng China ang trilateral cooperation ng tatlong bansa at hinikayat ang mga ito na tigilan ang pagiging bloc politics.