-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inaayos na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang pag-uwi sa bangkay ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa pagsabog noong Lunes, Agosto 31 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi niya na ipinapahanda na nila ang repatriation ng dalawang namatay na OFW at nasabihan na rin ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ang limang Filipino na nasugatan ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Ayon kay kalihim Bello, sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang bayarin sa ospital ng mga nasugatan.

Ang dalawang namatay ay mabibigyan ng bereavement benefits na P100,000 at P20,000 na burial benefits.

Bukod dito ay mayroon din silang insurance coverage kung legal ang kanilang pagtungo sa naturang bansa na aabot sa $15,000 bawat isa.