CAUAYAN CITY – Naantala ang pag-uwi sa labi ni Desiree Tagubasi, residente ng Lulutan, Ilagan City na nasawi sa Taiwan dahil sa tinamong severe burns matapos aksidenteng matapunan ng hydraufloric acid o asido .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Health and Safety Department ng Taiwan sa nasabing aksidente.
Bago pa man anya nasawi si Desiree sa pagamutan ay nakaalalay na ang welfare officer ng OWWA sa kanya.
Mayroon na ring kapatid ang biktima na umaasikaso sa labi ni Desiree.
Ayon kay Administrator Cacdac tinututukan na ng kanilang welfare officer ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa Taiwan.
Hindi anya dapat madaliin ang imbestigasyon upang maging pulido ang kalalabasan nito.