-- Advertisements --
Naniniwala si BUHAY party-list Rep. Lito Atienza na tama ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang Security of Tenure Bill.
Para kay Atienza, makakabuti sa ekonomiya ng Pilipinas ang nAging desisyon ng Pangulo sa panukalang naglalayong tuldukan sana ang issue sa kontraktwalisasyon.
Ngayong patuloy na bumubuti ang ekonomiya ng bansa, kailangan aniya ng mga manggagawa ang labor contracting.
Marami pa rin daw kasing natutulungan ang short-term contractual employment na makaahon kahit paano mula sa kahirapan.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 5.1 percent ang unemployment rate nitong Abril kumpara sa 5.5 percent sa kaparehas na buwan noong 2018.