Ipinagkibit balikat na lamang ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P95.3-billion halaga ng proyekto sa alokasyon para sa DPWH sa ilalim ng 2019 national budget.
Wala aniyang nakikitang mali si Arroyo sa naging pasya na ito ng Pangulo.
Kahapon, sinabi ni Arroyo na noong Pangulo pa siya, kada taon ay ibini-veto rin niya ang pambansang pondo.
“Every year, I partially vetoed the budget,†ani Arroyo.
Pero para kay Camarines Sur Rep. Luis Reymund Villafuerte, vice chairman ng House Appropriations Committee, sampal para sa House leadership ang naging hakbang ni Pangulong Duterte sa pambansang pondo.
Sa kabilang dako, ikinatuwa ni Sen. Bam Aquino ang pagkakapasa na ng 2019 budget dahil maraming mga proyekto ng pamahalaan aniya ang mabibigyan na ng pondo kabilang na ang batas para sa libreng kolehiyo.
Ikinalulugod din daw niya na pinakinggan ng Punong Ehekutibo ang mga concerns ng Senado sa budget dahil natanggal na ang mga items na sa tingin ng Mataas ng Kapulungan ay naidagdag o naisingit lamang.