-- Advertisements --

Hindi umano tumutugma sa kasalukuyang batas at jurisprudence ang panukalang amyenda sa Revised Baguio City Charter.

Ito ang dahilan sa pag-veto ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa bagong charter ng Baguip City.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro ang bahagi ng veto message ng Pangulo kung saan sinabi nitong, ang nasabing bill ay makasasama sa kapangyarihang ipinagkaloob sa Bases Conversion and Development Authority.

Isa sa mga layunin ng House Bill 7406 ay ang pag-alis sa Camp John Hay Management mula sa Special Land Use Committee ng Baguio at pagbawi sa Section 55 ng revised charter, na nagpapalawak ng land area sa ilalim ng BCDA mula 570 hectares sa 625 hectares.

Ayon kay Castro, kinikilala ni Pang. Marcos ang poder ng BCDA.

” I am constrained to veto the bill as it is inconsistent with law and jurisprudence and it may endanger or prejudice the authority previously granted to the BCDA, ” veto message ni Pang. Marcos.

Ayon kay USec. Castro, ” So, kinikilala po ng Pangulo ang karapatan at authority ng BCDA patungkol po dito kaya po na-veto po ang “An Act Amending Sections 23 and 52, and repealing Section 55 of the Republic Act Number 11689 otherwise known as the Revised Charter of the City of Baguio.”