-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na nauunawaan nila ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang batas na naglalayong ideklara bilang lalawigan ng Pampanga bilang Culinary capital of the Philippines.

Sa press conference kasabay ng media launch ng Family Food Month 2025 ngayong araw, Marso 21, iginiit ng opisyal na prerogatibo na ito ng Pangulo.

Inihayag din ng DA official na maraming posibleng tumutol kung sakali dahil maraming lugar sa bansa na nagpapakita ng Filipino culinary heritage.

Maaalala nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang veto message na ipinadala ng Malacañang sa Senado at Kamara noong Marso 12, na nangangailangan pa ng sapat na pag-aaral at historical basis ang panukalang batas sa pagdeklara sa Pampanga bilang Culinary capital of the Philippines.

Iniiwasan rin aniya dito ang posibilidad na makasakit ng damdamin ng ibang mga probinsya sa bansa na kilala rin sa kanilang culinary contributions.