Inaasahan na tatagal ang pagsasaayos at repairs sa Marilao Interchange Bridge hanggang sa sususnod na linngo, Marso 31, ayon yan sa pahayag ng The North Luzon Expressway Corporation (NLEX).
Ito ay bunsod pa rin sa naging danyos na naiwan dulot ng isang malaking truck na tumama dito noong nakaraang Miyerkules ng umaga.
Lumampas ksi sa mismong nakalaang vertical clearance ang truck na siyang sanhi ng pagkakabangga nito at pagkakasira ng mismong imprastraktura.
Ayon kay NLEX Traffic Management Head Robin Ignacio, halos kakalagay pa lamang ng vertical steel support sa ilalim ng interchange noong Marso 21 dahilan para mabuksan ang tatlong lanes sa bahaging ito para maiwasa ang matinding trapiko dito.
Samantala, inaasahan naman na sa mga sususnod na araw ay magpapatuloy ang mga isinasagawang repairs sa bahaging ito ng NLEX kung saan hinihintay na ng pamunuan ang fabrication beam na siyang ipapalit sa nabuwag na bhagi ng toll gate.
Tiniyak naman ni Ignacio ang publiko na patuloy at 24/7 na ang kanilang ginagawang repairs para ma-reach ang target date na Marso 31.