-- Advertisements --
Hinihikayat ng Department of Transportation ang mga motorista na gumamit ng Mass Transportation System tulad train sa halip na gumamit daw ng sariling sasakyan.
Ayon kay Charlie Del Rosario chief ng DOTr Command and Control Operation Center panahon na para baguhin ang pananaw sa mass public transport ng bansa.
Bukod sa makatutulong ito sa pagpapaluwag ng trapiko makakatulong rin aniya ito para makakatipid ang mga motorista.
Sa ngayon tuloy-tuloy umano ang pagtatayo ng mass transportation tulad ng LRT at MRT.
Sa susunod na taon maari ng magamit ang MRT line 4, LRT line 1 extension na hanggang Cavite at MRT 7.
Puspusan rin umano ang ginagawang Metro Manila Subway.