CENTRAL MINDANAO – Muling tumanggap ang Mindanao Doctor’s Hospital and Cancer Center Inc sa Kabacan, Cotabato ng ikalawang dosage ng CoronaVac ng Sinovac.
Nabakunahan ang aabot sa 90 na mga health workers na siyang tumanggap ng ikalawang dosage.
Matatandaan na ang mga health workers ng nasabing ospital ang pinakauna sa bayan na tumanggap ng nasabing bakuna.
Abot sa 93 na ang nabakunahan sa kanila.
Ipinaliwanag naman na ang tatlong hindi nakatanggap ng second dosage ay nasa ilalim ng quarantine.
Ayon sa Rural Health Unit, may bagong inilabas na mandato ang Department of Health na nagsasaad na ang mga nagkaroon ng rashes sa loob ng anim na oras matapos mabakunahan ay hindi muna pagkakalooban ng ikalawang dosage.
Samantala may dalawang bagong COVID-19 case sa bayan, kung saan abot na sa 98 ang kaso na naitatala sa bayan ng Kabacan.
Patuloy naman ang apela ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko na sumunod sa mga umiiral na batas tulad ng simpleng pagsuot ng tama ng face shield at face mask sa pampublikong lugar.