Ikinatuwa ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagapruba ng Supreme Court sa paglipat ng kaso sa mamamahayag na si Eduardo Dizon, na mula Davao City patungong Quezon City.
Bilang tugon sa mga banta sa seguridad ng mga saksi at pangambang makompromiso ang integridad ng paglilitis.
Ayon PTFOMS ang desisyong ito ay mahalagang hakbang para matiyak ang patas at ligtas na pagdinig ng kaso.
Alinsunod narin sa kamakailang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na binigyang-diin ang pangangailangan ng mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad para sa mga manggagawa sa media bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa malaya at ligtas na pamamahayag.
Kasabay ito ng pagpapalakas ng Media Security Vanguards na binubuo ng mga ahensya tulad ng Department of Justice (DOJ), Presidential Communications Office (PCO), Department of the Interior and Local Government in the Philippines (DILG), Commission on Election (Comelec), Philippine National Police (PNP), at PTFOMS.
Samantala si Dizon ay kilala sa kanyang matatapang na mga pahayag laban sa katiwalian bago siya pinaslang noong Hulyo 2021.
Naninindigan pa ang pamahalaan at PTFOMS na ipagpapatuloy ang laban para sa katarungan at kaligtasan ng mga mamahayag.
‘Justice for Journalist is Justice for all. The fight does not end with milestonesm it continues and the government stands firm it its resolve to protect and defend those who risk their lives for truth and transparency,’ pahayag ng PTFOMS sa kanilang social media.